Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,774 na bagong kaso ng Covid-19.
Batay sa datos ng DOH, aabot sa higit 18,000 ang aktibong kaso noong Huwebes.
Tumaas sa 4,023,798 ang caseload sa bansa habang 64, 458 ang bilang ng nasawi.
Nagtala ng may pinakamataas na bilang ang National Capital Region na may 3,351 sinundan ng CALABARZON na may 1,984, Western Visayas na may 1,512, Central Luzon na may 1,165 at Central Visayas na may 1,058.
Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ng booster shot ang mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang sa bakunahang bayan.
Ayon kay Health Undersecretary Nestor Santiago, gaganapin ito sa ika-5 hanggang ika-7 ng Disyembre.
Samantala, batay sa datos ng DOH, aabot sa 73.6 million na Pilipino ang bakunado ngayong November 17 pa lamang. —sa panulat ni Jenn Patrolla