Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang nasa 178 na mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits.
Batay sa inilabas na datos ng FDA, 60 sa naturang test kits ang PCR based habang 69 naman dito ang rapid antibody test kits.
Kasunod nito, iginiit ng FDA na laging i-check o tignan ng mga health authorities at mga pamunuan ng mga lokal na pamahalaan na rehistrado ang kanilang gagamitin COVID-19 test kits.