Aabot sa isandaan at pitumpu’t walong (178) mayor, vice mayor at iba pang opisyal ng local government units (LGUs) sa mga lugar sa paligid ng Manila Bay ang nanganganib na kasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, bubuhayin nila ang Legal Investigation Committee ng DILG na binuo nila sa clean-up ng Boracay Island.
Kailangan aniya nilang maging balanse sa imbestigasyon dahil kailangan pa rin ng DILG ng tulong ng mga LGUs para sa paglilinis ng Manila Bay sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.
Sakali naman aniyang mapatunayan na mayroong nilabag ang mga LGUs sa Clean Water Act, solid waste management at nagpabaya sila kaya’t dumami ang informal settlers kakasuhan nila ng administratibo ang mga LGU.
—-