Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 178 na volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang 149 na pagyanig sa loob ng 24 oras noong Hunyo a-diyes.
Nagbuga rin ng aabot sa 613 na tonelada ng sulfur dioxide at mahinang paglabas ng plumes na may taas na 150 metro.
Patuloy pa ring ang ginagawang pag-monitor ng PHIVOLCS sa mga aktibidad ng nasabing bulkan.
Matatandaang Hunyo 5 nang itaas sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan matapos ang nangyaring phreatic eruption.