Patay ang 18-anyos na dalagita matapos tamaan ng bala ng “sumpak” sa naganap na riot ng dalawang grupo ng kabataan sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Felyn Pelingon, grade 7 student.
Ayon sa ulat, nakikipaglamay ang biktima sa lugar na malapit sa pinangyarihan ng riot.
Apat na lalaki ang naaresto kung saan tatlo sa kanila ay menor de edad habang 18-anyos naman ang isa.
Nakuha rin sa mga ito ang isang sumpak.—sa panulat ni Hya Ludivico