Patay ang labing siyam (19) katao habang marami ang sugatan sa pamamaril ng 18-anyos na lalake sa kanyang kolehiyo sa Russian-annexed Crimea.
Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang pinaulanan ng suspek ang mga kapwa nito estudyante bago ito nagpatiwakal.
May narinig ding pagsabog mula sa hindi pa natutukoy na uri ng pampasabog.
Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam pa ang motibo ng estudyanteng suspek.
—-