Patay ang isang 18-anyos na lalaki matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways sa Sta. Rosa city, laguna.
Kinilala ng Laguna Police ang nasawi na si John Franklin Minero, residente ng lugar.
Batay sa imbestigasyon, naglalakad lang umano sa riles ang biktima dakong alas-11:30 ng gabi nang masagasaan at nakaladkad ng tren.
Dead-on-the-spot si Minero habang hindi naman malaman ng mga otoridad kung paanong hindi nito narinig ang busina ng tren.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.