Umabot sa 18 bahay ang naapektuhan ng sunog sa isang residential area sa Barangay Bagumbayan, Taguig City.
Base sa imbestigasyon, mabilis na kumalat ang apoy na gawa umano sa mga light materials.
Ayon sa mga otoridad, nang inspeksiyonin ang lugar ay narekober ang ilang mga baril at bala.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero