Labing walong (18) kalsada at 13 tulay sa Regions 2 , 3, 5 at Cordillera Administrative Region ang hindi uubrang madaanan ng mga sasakyan dahil sa matinding ulang dala ng bagyong Lando.
Ayon sa NDRMMC, kabilang sa mga hindi pa uubrang daanan dahil sa bumagsak na mga puno ang Victoria Road patungong Tarlac City, Daang Maharlika Road at Brgy. Sto. Tomas at Kita Kita sa San Jose City sa Nueva Ecija.
Kabilang naman sa mga hindi madaanan dahil sa tubig baha ang Tawi Overflor Bridge sa Peniablanca sa Cagayan, Baculud Overflow Bridge sa Ilagan City sa Isabela, Baler Casiguran Road sa Aurora at Catanduanes Circumferential Road sa Catanduanes.
Hindi rin pupuwedeng daanan ng mga sasakyan dahil sa landslides ang Claveria-Calanasan Road sa Apayao, Benguet-Nueva Viscaya Road sa Benguet, Banaue Mayoyao Aguinaldo Isabela Road sa Ifugao, Talubin Barlig Natonin Paracelis Calaccad Road sa Mountain Province.
Bukod pa ito sa Pinukpuk Abbut Road sa Kalinga, Cordon – Aurora boundary road sa Quirino at Brgy. Barihay, San Adres sa Catanduanes.
By Judith Larino