Labing walo ang kumpirmadong nasawi sa bayan ng Tubod sa Lanao del Norte na isa sa matinding tinamaan ng bagyong Vinta.
Ayon kay Tubod Lanao del Norte Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Vicmar Paloma, nasa 27 katao pa ang napaulat na nawawala habang nasa 103 kabahayan naman ang nasira.
Aniya matinding naapektuhan ng bagyong Vinta ang Barangay Dalama matapos umapaw ang katabi nitong Cabuyao river na may kasamang malalaking bato at mga torso.
Dagdag ni Paloma, isang bahagi rin ng Dalama ang isolated matapos masira ang hanging bridge sa lugar.
Nananatili naman sa mga evacuation centers ang nasa 114 na mga pamilyang biktima ng bagyo habang naghahanap na ang lokal na pamahalaan ng temporary shelter para sa mga ito.