18 katao ang patay habang mahigit 200 ang sugatan sa nangyaring kaguluhan sa pagitan ng mga kapulisan at mga protester sa Karakalpakstan, Uzbekistan.
Pumalo naman sa 516 protesters ang ikinulong ng mga otoridad.
Kinokontra umano ng mga protesters ang pagpapalit ng konstitusyon kung saan hindi na nila kikilalanin ang mga probinsiya na nasa border ng Kazakhstan at aral sea.
Dahil dito, nakipag-ugnayan na si Uzbek President Shavkat Mirziyoyev kay European Union Council President Charles Michel matapos na kondinahin ng maraming bansa ang nagaganap na kaguluhan sa nabanggit na bansa.