18 katao ang patay sa pagbagsak ng isang cargo helicopter sa Siberia, Russia.
Ayon sa Russian emergencies ministry, walang nakaligtas sa pagbagsak ng Mi-8 helicopter ng Utair National Airline sa bayan ng Igarka, sa Krasnoyarsk territory.
Ihahatid sana ng nasabing aircraft ang mga sakay nito sa isang oil station nang tumama ang elesi nito sa karga ng isa pang chopper matapos mag-take off.
Sa kabila nito, nakalipad ng maayos ang ikalawang helicopter at ligtas na nakapag-landing.
Inaalam na kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng nasabing airline o kung lumabag sa safety guidelines.