18 katao ang kumpirmadong nasawi habang mahigit 10 ang nasugatan at nawawala matapos magpakawala ang Syrian forces ng missiles sa Aleppo, Syria na kinubkob ng mga rebelde.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, binomba ng missile ng militar ang
Al-Sha’ar neighborhood sa Aleppo na sinundan pa ng ground shelling.
Namemeligrong dumami pa ang bilang ng mga namatay dahil sa dami umano ng mga malubhang nasugatan.
By: Jelbert Perdez