Patay ang labing walo (18) katao habang sugatan naman ang siyamnapung (90) iba pa sa pagsabog sa iraq.
Ayon sa ulat, iniwan ng mga hinihinalang terorista ang mga bomba sa loob ng isang mosque o masjid sa siyudad ng Baghdad.
Sinasabing naganap ang pagsabog habang sinisikap ng mga awtoridad na maialis sa lugar ang bomba.
Kasalukuyang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naturang insidente.
—-