Patay ang labing-walo (18) katao sa panibagong pambobomba malapit sa Presidential Palace sa Somalia.
Unang sumabog ang isang car bomb na sinundan ng sunod-sunod na putok ng baril na ikinasawi ng maraming indibiduwal sa Mogadishu.
Maliban sa mga namatay, dalawampung (20) iba pa ang sinasabing nasugatan sa insidente.
Ayon kay Major Mohamed Ahmed, sumabog ang unang bomba sa gilid ng Palasyo habang ang isa naman ay malapit sa isang sikat na hotel.
Inamin ng armadong grupo na Al-Shabab na sila ang responsable sa naturang pag-atake.
Mahigit 500 katao ang nasawi sa truck bombing noong Oktubre at 18 pulis naman ang namatay sa pag-atake noong Disyembre ng nakaraan pa ring taon.
—-