18 Low Pressure Area ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa taong 2024, na kalaunan ay nabuo bilang bagyo.
Kabilang dito ang limang tropical cyclones na umabot sa Super Typhoon Category, na kinabibilangan ng mga bagyong Carina, Julian, Leon, Ofel, at Pepito.
Limang tropical depressions ang naitala noong nakaraang taon, na kinabibilangang ng mga bagyong Butchoy, Gener, Igme, Querubin, at Romina.
Gayundin ang tatlong tropical storms, na mga bagyong Dindo, Ferdie, at Helen.
Dalawa naman ang naitalang severe tropical storms na kinabibilangan ng mga bagyong Enteng at Kristine; habang nasa typhoon category naman ang mga bagyong Aghon, Marce, at Nika.