18 lugar sa bansa ang natuklasang positibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxic.
Base sa pinakabagong shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sinabi nito na hindi ligtas na kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang na mahuhuli o matatagpuan sa coastal waters ng Zumarraga, Daram Island, Villareal Bay at Cambatutay Bay sa western samar; Carigara Bay, Cancabato Bay, Tacloban City, Ormoc Bay, coastal waters ng Leyte municipality at coastal waters ng Calubian sa lalawigan ng Leyte; Lianga Bay, Hinatuan at Bislig Bay sa Surigao Del Sur; Balite Bay sa Davao Oriental; Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte; Tambobo Bay, Siaton Negros Oriental; Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Puerto Princesa Bay at Puerto Princesa City sa Palawan; at sa Coastal Waters ng Biliran Islands.
Gayunman, sinabi ng BFAR na ang mga isda, pusit, hipon, at mga alimango ay ligtas kainin basta’t itoy sariwa at hinugasan ng maayos bago lutuin.