Arestado ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 18 mangingisda dahil sa kanilang iligal na paghuhuli sa Naic, Cavite.
Ayon sa PCG, naaktuhang nagsasagawa ng illegal fishing ang mga mangingisda sa karagatang sakop ng maritine security patrol kung saan, gumagamit ang mga suspek ng air compressor sa nasabing bisinidad.
Ayon sa PCG, labag sa batas ang ginagawang iligal na paghuhuli ng mga suspek dahil bukod sa delikado ito ay hindi din nito natatantya ang paghuhuli sa mga isda.
Nakakulong na ngayon at nahaharap sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 12 ang mga naarestong suspek.