Higit 18 milyong balota na ang na-imprenta ng Commission on Elections (COMELEC) sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon kay Commission on Elections Printing Committee Atty. Genevieve Guevarra, tapos na ang mga balotang gagamitin para sa Overseas Absentee Voting at Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Ngunit higit walong milyon pa lamang dito (8,494, 989) ang nabeberipika ng COMELEC.
Katwiran ni COMELEC Chairman Andres bautista, ito ay dahil nahihirapang umagapay ang verification team sa bilis ng ballot printing process.
Tinatayang 56.7 milyong mga balota ang kinakailangan ma-imprenta ng COMELEC para sa darating na halalan sa Mayo.
By Rianne Briones