Aabot sa 18% ng mga Pilipino ang mayroong malamig na Valentine’s Day o mag-isang nagdiriwang ng araw ng mga puso.
Batay ito sa Social Weather Stations o SWS Survey na isinagawa noong December 2021.
Ayon sa survey, 54% ang nagsabing ‘very happy’ sila sa kanilang relasyon, habang 28% ‘could be happier’ o may isasaya pa at 18% ang walang love life.
Nabatid naman na 57% ng mga nasa hustong gulang na pinoy ang pipiliin ang kalusugan kaysa sa pag-ibig at pera.
Samantala, ang naturang survey ay isinagawa gamit ang face-to-face interviews sa 1,440 Filipino adults sa Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.