18 empleyado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) – Region 2 ang nabiktima umano ng food poisoning.
Ayon kay Regional Director Pilipina Dino, sumakit ang tiyan at nahilo ang mga empleyado kaya’t hindi na sila nakapag overtime.
Sinabi ni Dino na maaaring nagmula sa kinain ng mga empleyado na ipina-deliver nila para sa kanilang late lunch ang pananakit ng kanilang tyan at pagkahilo.
Nakabalik na rin sa kanilang trabaho ang mga empleyado matapos gamutin sa ospital.