Umabot sa 18 party-list ang naghain ng kandidatura sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC).
Nangunguna ang Kabayan Party-list sa nagtungo sa Commission on Elections (COMELEC) upang mag-file ng kanilang COC.
Ayon kay Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, nais nilang makabalik sa Kamara upang maipagpatuloy ang kanilang mga isinusulong na panukalang batas gaya ng pagkakaloob ng mga kumpaniya ng 14th month pay sa kanilang mga empleyado at ang national minimum wage.
Naghain din ng kanilang COC ang mga partidong nabigo nuong nakaraang halalan gaya ng Partido ng Masa ang Bida (PBB) na ipaglalaban umano ang usapin sa pabahay.
Nagsama-sama naman sa ilalim ng Partido Lakas Masa (PLM) ang mga dating natanggalan ng accreditation matapos matalo sa dalawang sunod na halalan.