INIHAYAG ng mga health authorities sa the Netherlands na labingwalo ang final tally ng mga pasahero ng dalawang flights mula South Africa na nagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19.
Ayon sa Institute for Health, tinatapos na nila ang imbestigasyon sa mga pasaherong sakay ng mga nasabing flights.
Kasalukuyan nang naka-isolate ang anim na raang pasahero (600) na kasama sa mga flights kung saan anim na pu’t isa rito o 61 ang positibo sa COVID-19 habang labingwalo naman ang tinamaan ng Omicron variant.