Nauwi sa pagkabulag ang pagpapa-opera ng 18 pasyente ng kanilang katarata sa Brazil.
Ayon sa ulat, 27 ang sumalang sa operasyon noong Enero 30.
Pero sa halip na gumaling, 22 ang napaulat na nagtamo ng impeksyon sa matang tinatawag na endophthalmitis kung saan 18 ang natuluyang nabulag.
Hinihinalang unsterilized na mga instrumento ng mga surgeons ang dahilan ng komplikasyon ng naturang mga pasyente.
Dahil dito, naglunsad na ng imbestigasyon ang Sao Bernardo Do Campo City kaugnay ng naturang insidente.
By Ralph Obina