Patay ang 18 katao habang 16 ang sugatan sa nangyaring kaguluhan sa loob ng kulungan sa Tela, Honduras.
Ayon kay prison spokesperson Digna Aguilar, nahirapan ang mga otoridad na pasukin ang lugar dahil may dalang mga baril ang ilang mga preso.
Aniya, ito ang nagpabagal ng imbestigasyon ng umanoy gang violence sa loob ng piitan.
Ayon sa national security ng Honduras, nakumpiska nila ang limang 9 milimeter na baril at ammunition.
Magugunitang inatasan na ni Honduran Presidente Juan Orlando Hernandez na pangasiwaan ng militar ang 27 piitan sa bansa dahil sa tumataas na bilang ng insidente ng pagkamatay ng mga preso.