Labing walo ang patay habang sugatan naman ang nasa 25 indibidwal sa aksidente ng isang bus sa Sucua Canton ng Amazonian Province, Morona Santiago sa Southern Ecuador.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, tumagilid ang naturang bus matapos sakupin ang dalawang linya ng kalsada sa nabanggit na lugar.
Agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatan habang patuloy pang iniimbestigahan ang aksidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero