Patay ang 18 indibidwal habang sugatan naman ang dalawandaan at walumpu sa malawakang pagbaha sa Northeast Region ng Brazil.
Base sa Meteorological and Natural Disaster Monitoring ng Brazil, umabot na sa 40 siyudad ang naapektuhan ng baha kung saan, lumikas ang nasa 35 libong katao.
Nagsasagawa na ng relief and rescue operation ang mga otoridad sa mga apektadong lugar sa nabanggit na bansa.—sa panulat ni Angelica Doctolero