Patay ang 18 katao matapos uminom ng alcohol sa Russia.
Ito na ang ikalawang beses na mayroong nasawi sa pag-inom ng alcohol na ibinibenta ng ilang tao sa ika-apat na pinakamalaking lungsod sa Russia na Yekaterinburg.
Dalawa katao na ang inaresto ng awtoridad sa gitna nang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Sa pagsisimula pa lamang ng buwan ng Oktubre, 36 katao na sa rehiyon ng Orenburg ang nasawi matapos uminom ng bootleg alcohol na may sangkap na ng methanol at itinuturing na “highly toxic”.