Patay ang 18 katao matapos tamaan ng cholera sa Central Equatoria State sa South Sudan.
Ayon sa Health Ministry, halos 200 kaso na ang naitala kaya’t idineklara na ang cholera outbreak doon.
Naglatag na ang mga health officials ng treatment centers sa Juba Hospital at International Medical Corps Clinic upang mapuksa agad ang naturang sakit.
Sinasabing dagdag pahirap din ito sa mga mamamayan dahil hindi pa nakakabangon ang mga ito bunsod ng lumalalang karahasan sa nasabing bansa.
By Jelbert Perdez