18 sundalo ang patay matapos maka-engkwentro ang tinatayang isandaang miyembro ng Abu Sayyaf sa bayan ng tipo-tipo, Basilan, kahapon.
53 sundalo naman ang nasugatan habang 5 ang nalagas sa panig ng bandidong grupo sa sampung oras na bakbakan sa Sitio Bayako, Barangay Baguindan.
Kinumpirma sa DWIZ ni Maj. Filemon Tan, Spokesman ng AFP-Western Mindanao Command na kabilang sa nasawi ang anak na lalaki ni ASG leader isnilon hapilon na si Ubaida at Moroccan terrorist na si Mohammad Khattab.
Pawang nagmula sa 44th infantry batallion ang mga nasawi at nasugatang sundalo.
Dakong alas-7:00 nang magsimula ang sagupaan hanggang matapos pasado alas-5:00 ng hapon.
By: Drew Nacino