Simula 2000 hanggang 2016, umabot sa 311 tropical cyclones ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR kung saan 18 rito ay tumama sa kalagitnaan ng selebrasyon ng Pasko.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo na pinaka-nakaapekto sa bansa noong panahon ng kapaskuhan ay ang Tropical Depression Quinta noong 2012.
Apektado ng bagyong Quinta ang MIMAROPA at Central Visayas na ikinasawi ng 23 katao, 3 sugatan at 3 ang na i-report na nawawala.
Kabilang pa sa itinuturing na deadliest December cyclones ay ang Tropical Storm Sendong na nanalasa sa pagitan ng December 15 at 18 noong 2011, at ang Typhoon Pablo noong December 2, 2012.
Pumapalo sa 1,268 ang bilang ng patay sa pagtama ng Sendong sa Mindanao, habang 1,067 ang namatay dahil sa Bagyong Pablo.
By: Meann Tanbio