Sugatan ang 18 indibidwal matapos ang naganap na kilos protesta ng mga miyembro ng Indigenous Mapuche Community sa Chile.
Nabatid na binugahan ng mga water canon at tear gas ng mga otoridad ang mga nagsasagawa ng aktibidad para mapigilan ang protesta.
Ayon sa mga otoridad, 10 ang naaresto sa halos 1,000 mga aktibistang nakilahok sa pagmamartsa suot ang mga poncho na isang uri ng kasuotan at mga traditional head ornaments sa gitna ng Santiago, sa nabanggit na bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero