Ginawaran ng medalya ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa 18 sundalong kabilang sa mga nagpalaya sa Marawi City mula sa tangkang pananakop ng mga terorista.
Isinagawa ang seremonya sa Lapu-Lapu grandstand sa Camp Aguinaldo kung saan ginawaran ng parangal ang ilang sundalo
Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines, sinabing iginawad ang order of Lapu-Lapu Rank of Kamagi kay Brigadier General Fabian Pedregosa at Col. Randy Pascua para sa kanilang walang katumbas na serbisyo upang maging katuwang sa pagsulong ng adbokasiya ng Pangulo.
Samantala iginawad naman ang “distinguished conduct star” para sa kanilang kahanga-hangang katapangan at maagap na pagkilos nina Col. Jose Jesus Luntok, Captain Arnel Lozada, 2nd Lt. George Francisco at Staff Sergeant Roland Saludes.
Ginunita ng sambayanan ang ika-3 anibersaryo ng kalayaan ng marawi mula sa 5 buwang pagkubkob rito ng ISIS-inspired maute terrorist.