Patuloy pa ring nakararanas ng mga aftershocks ang bayan ng Itbayat, lalawigan ng Batanes makaraang tamaan ito ng malalakas na lindol kahapon
Batay sa datos ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 180 aftershocks ang naitala sa Itbayat kung saan, 11 lamang dito ang naramdaman
Nananatili naman sa 8 ang bilang ng mga nasawi, nasa 63 ang bilang ng mga sugatan habang ang isang napaulat na nawawala ay nahanap na ayon sa OCD Region 2
Tinataya namang nasa 611 mga pamilya o halos nasa 3 libong indibiduwal naman mula sa 5 barangay ng Itbayat ang naapektuhan at ngayo’y pansamantalang nanunuluyan sa San Rafael Public Market
Aabot naman sa 15 kabahayan, 2 paaralan at 2 Health Facilities ang gusaling napinsala ng malalakas na lindol