Umabot sa 18 libong indibidwal ang na-stranded at sinisikap ma-reskyu ng mga emergency crew matapos ang malawakang pagbaha at mudslide na sumira sa kalsada, bahay at tulay sa British Columbia.
Ayon kay Emergency Preparedness Federal Minister Bill Blair, critical pa rin ang sitwasyon sa Ottawa dala ng pag-uulan.
Samantala, nagdeklara na ng State of Emergency si Premier John Horgan matapos maitala ang unang kumpirmadong nasawi at apat na taong nawawala.
Napabalita ring nagkaka-ubusan na ng suplay ng pagkain sa mga groceries dahil sa panic buying.—sa panulat ni Joana Luna