Ipakakalat ang Labingwalong libong Pulis sa Metro Manila upang bigyang seguridad ang higit sa Dalawang milyong estudyanteng inaasang papasok na sa Lunes, unang araw ng 2016-2017 school year.
Sinabi ni NCR Police Office Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas, mananatili sa full alert status ang kanilang buong pwersa dahil sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Partikular aniyang babantayan ng mga pulis ang mga bus terminal, mga matataong lugar, ang university belt, at ang labas ng mga eskwelahan kung saan maglalagay ng police assistance desk.
Payo ng NCR police office sa mga estudyante sakaling maging biktima ng mga kawatan, wag nang manlaban upang hindi mapahamak.
Sa halip, tandaan na lamang ang mukha ng suspek saka isumbong sa mga pulis.
By: Avee Devierte