Aabot na sa 184 na bansa ang nakiisa sa COVAX facility.
Ayon kay World Health Organization Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang mga bansang ito ang tutulong para mapondohan ang madidiskubreng bakuna kontra COVID-19 upang ito’y maipamahagi ng patas sa mga mayayaman at mahihirap na bansa sa buong mundo.
Ecuador at Uruguay aniya ang pinakabagong sumaling bansa sa COVAX facility.
Dahil sa paglakas ng pwersa ng COVAX facility, maliban sa patas na pamamahagi ng bakuna inaasahan din umanong mapapabilis ang pagpapadala ng bakuna sa mga bansang matinding tinamaan ng COVID-19.