Patay ang walong sundalo sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at Maute Group sa Marawi City, Lanao Del Sur.
Nagsimula ang bakbakan bandang alas-2:00 ng hapon sa Barangay Basak Malutlut sa Marawi City kung saan umano nagtatago ang 15 armadong miyembro ng Maute Group.
Sinasabing sumalakay ang Maute Group sa nabanggit na lugar para i-rescue si Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon.
Agad na naglunsad ng joint operation ang AFP at PNP, pero sinalubong sila ng putok.
Kaugnay nito, tiniyak ni AFP Chief of Staff Eduardo Año na kontrolado na ng mga otoridad ang sitwasyon sa Marawi City.
Pinayuhan ni Año ang mga residente sa lugar na huwag munang lumabas ng bahay at huwag mag-panic.
By: Meann Tanbio