Aabot sa 185 exotic wildlife animals ang nailigtas ng Criminal Investigation and Detection Group – Laguna Provincial Field Unit sa Santa Cruz, Laguna.
Nagkakahalaga ito ng P 800,000 na nakuha sa Sitio 4, Barangay O-Ogong sa pamamagitan ng buy-bust operation.
Ang mga hayop na nailigtas ay ang ball python (python regius), emperor scorpion (pandinus imperator), at mexican rose tarantula (aphonopelma pallidum), na inuri bilang appendix 2 sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora.
Naaresto naman sa buy-bust ang trader ng mga hayop na mayroong hawak na Certificate of Wildlife Registration, na para lamang sa pag-aalaga ng hayop at hindi sa kalakalan.
Sa ngayon, naipadala na sa Regional Wildlife Rescue Center sa Calauan, Laguna ang mga hayop, habang sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang trader.