Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,874 new COVID-19 infections, habang umakyat sa 18,384 ang aktibong kaso.
Ito na ang 3 magkakasunod na araw na nakapagtala ng mahigit 1,000 new infections ang DOH.
Base sa datus, tumaas ang mga kasong naitala ng DOH mula sa dating 17,945 nitong nakaraang Biyernes.
Nangunguna naman ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na kaso ng virus sa nakalipas na dalawang linggo na umabot sa 3,418 cases na sinundan ng CALABARZON – 1,801; Western Visayas -1,162; Central Luzon – 994; at Central Visayas – 982.
Pumalo naman sa 3,949,407, ang bilang ng mga nakarekober mula sa sakit. - sa panunulat ni Jenn Patrolla.