Tinanggal na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang aabot sa 187,000 na pamilya na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni DSWD Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na ang naturang bilang ay maituturing na graduate na bilang non poor.
Maliban dito, lumalabas din na ilan sa mga bata sa listahan ay graduated na o umabot na sa higit 18 taong gulang at nagboluntaryong nag-waive sa kanilang mga slots bilang benepisyaryo.
Aniya, magpapatuloy pa rin ang evaluation sa 4Ps National Program Management Office (NPMO) sa gitna na rin ng direktiba ni DSWD Sceretary Erwin Tulfo na pabilisin ang paglilinis sa listahan ng 4Ps.
Samantala, inaasahan din na lahat na mga munisipyo at siyudad ay makapagsumite ng status ng living conditions sa mga assigned household-beneficiaries.