Ibinaba sa kasong homicide ng Department of Justice ang reklamong murder na una nang isinampa laban sa grupo ni Supt. Marvin Marcos .
Ito’y makaraang paboran ng DOJ o Department of Justice ang isinampang petition for review ng kampo ni Marcos na kumukuwesyon sa isinampang kaso laban sa kanila.
Sakaling aprubahan ng Baybay Regional Trial Court ang mosyon ng prosekusyon, malaki na ang pagkakataon na pansamantalang makalaya ang grupo ni Marcos dahil isang bailable offense ang homicide.
Ang grupo ni Marcos ang itinuturong nasa likod ng pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at sa kapwa nito preso na si Raul Yap nuong isang taon.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo