Posibleng sumipa hanggang 18,000 ang daily Covid-19 cases pagsapit ng Nobyembre a – 15.
Ito, ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ay batay sa October 11 projection, kung saan hindi pa kasama ang pagkakadiskubre sa Omicron XBB subvariant at XBC variant.
Pinaka-mababa na anyang maitatala kada araw ay 2,400 pero kung darami ang susuway sa minimum public health standards, ay maaaring humantong sa 18,000 cases per day pagsapit ng November 15.
Sa kabila nito, ipinunto ni vergeire na “manageable” ang Covid-19 situation sa bansa dahil matagal nang nakapaghanda ang gobyerno.
Idinagdag ni Vergeire na sa susunod na taon naman ay inaasahan nilang mayroon pa ring mga kaso pero umaasang hindi na darami ang mga ma-o-ospital dahil patuloy ang pagbabakuna.
Hanggang nitong October 17, mahigit 73.4 million individuals na ang fully vaccinated laban sa Covid-19, kabilang ang nasa 20.3 million na nakatanggap ng first booster dose at 3.2 million na tinurukan ng second booster.