Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa mahigit 18 Milyong Pisong halaga ng mga puslit na sigarilyo sa Manila International Container Port.
Ikinarga ang naturang kontrabando sa isang 40-footer container galing China na nakapangalan sa Madrid Industrial Marketing na nakabase sa Paco, Maynila.
Idineklara ang kargamento na naglalaman ng halos 900 kahon ng mga “industrial artificial fur texture” pero nang ito’y busisiin ay nadiskubreng naglalaman pala ito ng mahigit 900 kahon ng sigarilyo.
Tiniyak naman ni Customs Commissioner Isidro Lapeña, na kakanselahin at susupendihin ang accreditation ng importer at customs broker na nagpasok ng kargamento.