Inilunsad na ng Department of Health o DOH ang programang tutugon sa problema ng malnutrisyon sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, sa ilalim ng Philippine Plan of Action for Nutrition, target ng ahensya na mabawasan ang iba’t ibang uri ng malnutrisyon sa bansa gaya ng micronutrient deficiencies, overweight at obesity.
Batay sa tala ng DOH, nasa 3.8 milyong bata ang nagugutom sa bansa habang nasa labing walong (18) milyong Pinoy naman ang overweight at obese.
Lumalabas na nasa tatlongdaan at dalawampu’t walong (328) bilyong piso ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa malnutrisyon.
By Ralph Obina
18M Pinoy overweight at obese ayon sa DOH was last modified: May 3rd, 2017 by DWIZ 882