Trending sa social media ang debut ng unica hija ng aktor na si Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte 4th District Rep. Lucy-Torres Gomez na si Juliana, kagabi.
Isang disco-themed dance party ang sumalubong kay Juliana sa halip na maging tradisyunal na may cotillion o first at last dance tuwing 18th birthday.
Nagdiwang ang unica hija ng dalawang celebrity royalty sa Bench tower sa Bonifacio Global City, Taguig suot ang floral mini dress na idinesenyo ni Randy Ortiz, na paboritong designer ng kanyang mommy.
Aminado si Juliana na binigyan siya ng kalayaan ng kanyang nanay na mag-desisyon para sa kanyang kaarawan.
Bukod kina Goma at Lucy, namataan din sa party ang ilang anak ng mga kapwa showbiz royalty gaya ng magkapatid na sina Julia at Claudia baretto at kambal na sina Mavy at Cassy Legazpi.