Iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na $19 billion na halaga ng mga proyekto na nasa kanilang investment promotion agencies (IPAs) ang na-actualize o naipatupad na.
Nagmula ang mga naturang proyekto sa mga nakalap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na investments sa kanyang official foreign trips.
Sa isang briefing na ginanap sa Makati, ibinahagi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na 12 sa mga proyektong ito na may kabuuang $327 million investments ang nago-operate na.
Dagdag pa rito, 21 proyekto ang naiparehistro na sa Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA), habang 32 ang kasalukuyang nasa registration process sa IPAs ng DTI.
Matatandaang nauna nang inihayag ni Pangulong Marcos na handa na maging “leading investment hub of Asia” ang Pilipinas.
Patuloy ring hinihikayat ng pangulo ang foreign investors na mamuhunan sa bansa upang makalikha ng mas maraming trabaho at mapalakas ang posisyon ng Pilipinas sa global value chain.