Aabot na sa 19 na insidente ng sunog na may kinalaman sa paputok at fireworks ang na-monitor ng Bureau of Fire Protection (BFP) bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay superintendent Annalee Atienza, tagapagsalita ng BFP, umaasa siyang hindi na madaragdagan ang bilang.
Tiniyak naman ni Atienza na handang tumugon ang lahat ng personnel ng BFP upang makatugon sa insidente ng sunog.
Matatandaang bago nito, hinimok ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang publiko noong Huwebes na bumuo ng common na lugar upang pagdarausan ng fireworks display, para salubungin ang Bagong Taon.
Pinaalalahanan din nito ang mga Pilipino tungkol sa panganib at masamang epekto sa kalusugan ng paggamit ng paputok, partikular na ang resulta ng walang ingat at walang habas na paggamit nito.