Mahigit 19,000 mga Oversease Filipino Workers (OFW)’s na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang nailikas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) pabalik ng Pilipinas.
Ayon sa dfa, pinakahuli sa kanilang natulungang mapauwi ng bansa ang nasa walong daan at labing walong mga pinoy mula sa United Kingdom, Equatorial Guinea, Democratic Republic of Congo at Australia.
Magkakahiwalay anilang dumating ang mga ito sa pamamagitann ng tatlong chartered flights sa Ninoy Aquino International Airport.
Kasabay nito, tiniyak naman ng dfa na tuloy-tuloy ang kanilang pagsisikap na matulungan ang lahat ng mga filipinong nasa ibang bansa na matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.