Nasawi ang 19 na katao matapos ang malakas na pagsabog sa isang health clinic sa Tehran na kabisera ng bansang Iran.
Dahil dito napuruhan ang gusali ng Sina At’ har health center maging ang mga kalapit na gusali nito.
Ayon sa emergency medical services ng Tehran, 15 sa mga nasawi ay pawang mga babae habang kabilang din ang 6 na biktimang mga nagpapagamot sa naturang health center.
Kasunod nito, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pagsabog.